^

Bansa

Halos 14,000 pulis itatalaga para sa seguridad ng Traslacion 2020

James Relativo - Philstar.com
Halos 14,000 pulis itatalaga para sa seguridad ng Traslacion 2020
"Kahit na mas maiksi ang ruta kaysa sa karaniwan... inaasahan na libu-libong mananampalataya ang maaakit na pumunta kaya naman siniguro namin na makakaagapay tayo sa patitiyak ng seguridad ng lahat," sabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa magkahalong Inggles at Filipino, Miyerkules.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — "All bases covered" na raw ng pamahalaan ang seguridad ng mga deboto sa napipintong taunang prusisyon ng Itim na Nazareno bukas, ika-9 ng Enero. 

Ayon sa pahayag ng Department of the Interior and Local Government, magiging bahagi ang 13,624 kapulisan sa pagtitiyak ng ligtas at maayos na pagsasagawa ng Traslacion.

"Kahit na mas maiksi ang ruta kaysa sa karaniwan... inaasahan na libu-libong mananampalataya ang maaakit na pumunta kaya naman siniguro namin na makakaagapay tayo sa pagtitiyak ng seguridad ng lahat," sabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa magkahalong Inggles at Filipino, Miyerkules.

Kasama sa mga tradisyonal na aktibidad na mangyayari ang prusisyon ng mga replika, "pahalik," vigil, misa at Traslacion na magsisimula ng 5:30 nang madaling araw.

Narito naman ang magiging paghahati-hati ng mga kawani ng Philippine National Police bukas:

  • Andas Wall (2,144)
  • crowd control (1,065)
  • Quiapo Church Wall (1,206)
  • Quirino Grandstand hanggang Plaza Miranda (7,191)
  • Arlegui St. hanggang Quezon Ave (517)
  • area security (350)
  • support unit (1,151)

Nakaabang naman ang 10 trak ng bumbero mula sa Bureau of Fire Protection para tumugon sa anumang banta ng sunog.

Kaugnay ng event, kasalukuyang nagsasagawa ng coastal operations ang PCG sa vicinity waters malapit sa Quirino Grandstand at Ilog Pasig, partikular sa Ayala Bridge, Mcarthur Bridge, Quezon Bridge at Jones Bridge, na tatagal nang hanggang ika-10 ng Enero.

Nasa 271 personnel ng PCG at 36 floating assets naman ang itatalaga sa Quiapo Church, Ayala Bridge at Quirino Grandstand.

"Nananawagan po ang [coast guard] sa mga deboto na makilahok sa zero-casualty commemoration ng Traslacion 2020 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga safety and security merasures na ipinatutupad at iulat sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang indibidwal o insidente," sabi ng PCG.

Hiningi naman ng DILG ang pakikipagtulungan at disiplina ng publiko upang maiwasan ang anumang 'di kaaya-ayang insidente habang isinasagawa ang prusisyon.

"Nauunawaan po namin na ito ay pagpapahayag ng inyong pananampalataya, ngunit una pa [rin] po ang hangarin nating walang masaktan at maging ligtas ang lahat kaya sana po makiisa tayo," wika ni Año.

Ineengganyo naman niya ang lahat ng mga magulang na deboto na iwasan ang pagsasama sa mga bata, may-edad at may-sakit sa procession para na rin sa kanilang seguridad at kaligtasan.

Mobile services mawawala

Samantala, inanunsyo naman ng ilang mobile service providers na maaapektuhan ang ilan nilang serbisyo simula ngayong araw kaugnay ng mga kaganapan alinsunod na rin sa utos ng National Telecommunications Commission.

"[P]ansamantala naming isasara ang mobile phone services ng Smart, TNT at Sun sa Quiapo, Maynila at sa mga daraanang ruta ng prusisyon ng Itim na Nazareno simula Miyerkules, ika-8 ng Enero, 2020," sabi ng Smart sa isang pahayag.

Maliban diyan, damay din ang operasyon ng ilan nilang cell sites sa ilang bahagi ng Pasay, San Juan, Mandaluyong, Makati, Malabon, Caloocan at Lungsod ng Quezon na malapit sa daraanan ng mga pagtitipon.

 

 

"Ibabalik naman ang mga serbisyo oras na makakuha kami ng go-signal sa mga otoridad. Salamat," kanilang panapos.

vuukle comment

EDUARDO ANO

FEAST OF THE BLACK NAZARENE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with