^

Bansa

Inflation pumalo sa 2.5%

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumalo sa 2.5 percent ang inflation rate sa bansa mula sa 1.3 percent noong November 2019.

Ito, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay dulot ng mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo noong Disyembre 2019.

Gayunman, ayon kay National Statistician Rosalinda Bautista na pasok naman ito sa 2 to 4 percent na target ng pamahalaan kung ikukumpara rin sa inflation noong December 2018 na 5.2 percent.

Ayon sa PSA, ang pagsipa ng inflation noong Disyembre ay dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ng nagdaang holiday season.

Umaasa naman ang PSA na bababa ngayong Enero ang inflation dahil tapos na ang panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon na kalimita’y tumataas ang halaga ng bilihin dahil sa mataas ng demand ng pagkain kapag ganitong okasyon.

 

vuukle comment

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with