^

Bansa

Danyos sa Maguindanao massacre pinado-doble

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Danyos sa Maguindanao massacre pinado-doble
“Dapat madoble man lang iyong da­mages na ibinigay, unang-una, dahil mas mahalaga ang buhay... at pangalawa hindi naman po iyan makukuha agad-agad habang nag-apela pa rin ang mga akusado,” pahayag ni Atty. Harry Roque, ang kinatawan ng 18 sa 58 biktima.
Philstar.com

MANILA, Philippines — Hihilingin sa korte ng mga kaanak ng biktima sa Maguindanao massacre na doblehin ang halaga ng damage claims dahil masyado umano itong maliit.

Ito’y dahil nasa P350,000 hanggang  P23.5 milyon lang ang ipinabibigay na danyos sa mga biktima, sa inilabas na special court’s decision noong Disyembre.

“Dapat madoble man lang iyong da­mages na ibinigay, unang-una, dahil mas mahalaga ang buhay... at pangalawa hindi naman po iyan makukuha agad-agad habang nag-apela pa rin ang mga akusado,” pahayag ni Atty. Harry Roque, ang kinatawan ng 18 sa 58 biktima.

Nabatid na kaila­ngan pang pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyon ng Quezon City court na posibleng magtagal ng 24 buwan, kung aapela pa ang mga akusado, bago pa lamang makukuha ng mga kamag-anak ng mga biktima ang kanilang claims sa damages, ayon sa naunang pahayag ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

Kamakalawa ay naghain ng motion for reconsideration ang tatlong miyembro ng Ampatuan clan na pawang napatawan ng guilty verdict.

Ang akusadong si Zaldy Ampatuan naman ay inilipat sa infirmary clinic ng New Bilibid Prison (NBP) dahil sa karamdaman, na hindi na rin aniya kinontra ng mga pamil­ya ng biktima, basta wala lang sa labas ng pambansang piitan, ani Atty. Roque.

“Ang hindi po namin gusto ay baka na naman mapunta siya sa Makati Medical Center, kumain sa floating restaurant at manatili na naman sa suite samantalang siya ay napatunayang nagkasala,” ani Roque.

Magugunitang noong Nob. 23, 2009, hinarang ng “private army” ng mga Ampatuan ang convoy ng mga tagasuporta ni Esmael Mangudadatu, kasama ang maybahay nito, para iparehistro ang kaniyang kandidatura bilang gobernador ng Maguindanao.

Nasa 100 armadong lalaki ang nagsagawa ng karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag, bago ibinaon sa lupa ang mga biktima at mga sasakyan gamit ang back hoe.

Sa desisyon ni QC Branch 221 Judge Jo­celyn Solis Reyes, guilty ang 43 akusado kabilang ang magkakapatid na Zaldy at Andal “Unsay” Ampatuan Jr., 14 pulis at isang miyembro ng Ampatuan militia, 53 ang inabswelto at 80 ang nakalalaya at tinutugis na.

vuukle comment

MAGUINDANAO MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with