^

Bansa

Hinay-hinay sa deployment ban sa Kuwait - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaghihinay-hinay ng isang kongresista ang gobyerno kaugnay sa balak na panibagong deployment ban sa Kuwait matapos ang pagkamatay ng isang Pinay worker doon.

Ayon kay ACT-CIS partylist Rep. Eric Yap, kung magkakaroon ng panibagong deployment ban ay posibleng ilang pamilya ng mga OFW sa Kuwait ang madadamay dito.

Sa ngayon anya ay dapat munang subukan kung talagang may mangyayari sa agreement ng Pilipinas sa nasabing batas matapos ang deployment ban na ipinatupad noong nakaraang taon.

Kung hindi umano magkakaroon ng maayos na resolusyon ang kaso ni Jeanelyn Villavende ay si Yap na mismo ang mangunguna sa pa­nawagan para sa permanent deployment ban sa Kuwait.

Iginiit pa ng kongresista na hindi dapat pumayag ang gobyerno na nagmamakaawa ang mga OFWs at tiisin ang mga hindi makataru­ngang pagtrato sa kanila para lamang kumita ng pera.

 

vuukle comment

KUWAIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with