^

Bansa

Duterte nadismaya sa ninja cops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Kaya wala pang itinatalagang PNP chief

MANILA, Philippines — Labis umano ang pag­kadismaya ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa kontrobersyal na isyu ng ninja cops na gumulantang sa sambayanan kaya hindi pa siya nagtatalaga ng bagong hepe ng Philippine National Police.

 Ito ang inamin kahapon ni Department of Interior and Local Govern­ment Secretary Eduardo Año na inatasan ng Pangulo na pangasiwaan muna pansamantala ang PNP dahilan wala pa itong mapili sa hanay ng mga contenders para humawak ng posisyon bilang top cop ng bansa.

Isa anya itong dahilan kaya natatagalang magpasya ang Pangulo. “Talagang nadismaya siya sa nangyari na iyon kasi sabi nga ng Pa­ngulo, ibigay na niya ang lahat sa PNP kabilang ang dobleng sahod ng mga pulis pero meron pa ring gumagawa ng ganito,” sabi ni   Año sa PNP Press Corps.

 Sinabi ni Año, mu­ling sinabi sa kaniya ni Pangulong Duterte na kahit maubos ang buong kapulisan basta mayroong sangkot sa droga ay tanggalin sa serbisyo.

 Sa kabila nito, sinabi ni Año na nakikita naman niya ang determinasyon ng liderato ng PNP na matugunan ang mga inaasahan ng punong ehekutibo sa organisasyon.

Magugunita na nakaladkad ang pangalan ni dating PNP Chief ret. Police Gen. Oscar Albayalde sa ninja cops matapos na masangkot ang mga dati nitong tauhan sa Pampanga sa pagre-recycle ng droga noong Nobyembre 2013.

 

vuukle comment

NINJA COPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with