Monopolyo sa kuryente hininging tutukan din
MANILA, Philippines — Hinimok nina House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at chairman Neri Colmenares si Pangulong Rodrigo Duterte na pagtuunan din ang nangyayaring monopolyo sa ‘power industry’ matapos na sitahin nito at balaan ang ‘concession agreements’ ng mga water firms.
Dapat anilang repasuhin ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at amyendahan para ang pamahalaan ang gagawa ng energy plans at hindi umasa sa power oligarchs.
Idiniin ng kongresista na sa EPIRA, ang ‘electricity rates’ ay tumaas ng mahigit sa 100% mula nang itatag ito noong 2001, at nagkaroon ng ‘periodic yellow’ and ‘red alerts’ kung saan ay nagkaroon ng mahaba at malawakang ‘brown outs’ partikular sa mga lalawigan.
- Latest