^

Bansa

'Partial deployment ban' ng OFWs sa Kuwait ibababa ng DOLE

James Relativo - Philstar.com
'Partial deployment ban' ng OFWs sa Kuwait ibababa ng DOLE
Dahil dito, tanging ang mga manggagawang may tumatakbong kontrata't mga skilled workers na lang ang papayagang makatungtong muli ng Kuwait.
File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Labor and Employment na haharangin muna ng gobyerno ang pagpapadala ng ilang overseas Filipino workers sa Kuwait kasunod ng panibagong kaso ng pagkamatay ng isang Pilipino doon.

Unang iniulat ng Department of Foreign Affairs nitong Lunes ang pagkamatay ni Jeanelyn Padernal Villavende, na diumano'y pinaslang ng misis ng kanyang amo sa naturang bansa.

"Magdedeklara tayo ng partial deployment ban muna," sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa panayam ng DZBB sa magkahalong Inggles at Filipino.

"Ang ibig sabihin nito, hindi muna tayo magpapadala ng panibagong OFWs doon. Papayag tayong makabalik ang mga balik-manggagawa at tsaka 'yung mga skilled workers. Pero 'yung mga new, hindi muna tayo magde-deploy."

Dahil dito, tanging ang mga manggagawang may tumatakbong kontrata't mga skilled workers na lang ang papayagang makatungtong muli ng Kuwait.

Matatandaang sinabi na ni Bello na handa silang magpatupad ng deployment ban sa Kuwait, maliban na lang kung mapatutunayan ng Gulf state na kaya nilang bigyang katarungan ang pagkamatay ni Villavende.

"Pagdating sa pagpapatupad ng ... total deployment ban, nakadepende ito kung ano ang gagawin ng mga... otoridad para bigyang hustisiya ang ating kababayan," dagdag ni Bello.

Ang desisyon ng DOLE ay binuhat ng rekomendasyon ng labor attache na si Nasser Mustafa.

Dati nang nagpatupad ng deployment ban si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait noong 2018 matapos madiskubre ang pagpaslang sa OFW na si Joanna Demafelis.

Ang naturang Pinay ay natagpuang isinilid sa isang freezer sa Al Shaab district.

Dumulo ito sa paglagda ng memorandum of agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait, Mayo nang nasabing taon, upang paigihin ang kondisyon sa pagtratrabaho ng mga Pilipino doon.

vuukle comment

ABUSE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

KUWAIT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with