^

Bansa

Deployment ban sa Kuwait posibleng ipatupad muli?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng magpatupad ulit ang gobyerno ng deployment ban sa bansang Kuwait kasunod ng panibagong kaso ng pagpatay sa isang manggagawang Pinoy roon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inaasikaso na ng mga awtoridad ang pag-repatriate o pagbabalik sa bansa ng mga labi ng biktimang si Jeanelyn Villavende, na pinatay umano ng kaniyang babaeng employer.

“This is another possibility na hindi remote na magde-deployment ban din kami sa Kuwait unless they can show us na mabigyan ng katarungan ang ating kababayan na si Jeanelyn,” sabi ni Bello.

Sa ilalim ng deployment ban, ipagbabawal ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa isang bansa.

Unang nagpatupad ng deployment ban sa Kuwait noong 2018 dahil sa sunod-sunod na ulat ng mga pang-aabuso at pagpatay sa mga overseas Filipino worker (OFW) roon, kabilang si Joanna Demafelis, isang domestic helper na natagpuang patay sa loob ng freezer.

Isang ulat mula sa Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait ang nagsasabing minamaltrato si Villavende ng kaniyang employer, na ngayo’y nakadetine, ani Bello.

Kinondena rin ng Department of Foreign Affairs ang pagpatay kay Villavende, na umano ay paglabag sa kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at Kuwait noong 2018 para sa pagprotekta sa mga OFW.

Nakatakdang maki­pagpulong si Bello sa Kuwaiti Ambassador to Manila kaugnay ng insidente.

vuukle comment

JEANELYN

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with