^

Bansa

'164 na lang': Nadisgrasya ng paputok nabawasan ng 35%

James Relativo - Philstar.com
'164 na lang': Nadisgrasya ng paputok nabawasan ng 35%
"Walang nakalunok ng paputok, tinamaan ng ligaw na bala o namatay. Zero," wika ni Health Secretary Francisco Duque III.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng pamahalaan na muling bumaba ang bilang ng mga nadali ng paputok mula Kapaskuhan ng 2019 hanggang Bagong Taon ng 2020. 

Ang balita, ibinahagi ng Department of Health sa press sa isang media brieding sa East Avenue Medical Center, Miyerkules.

"Ngayong araw, sa ngalan ng [DOH], inuulat namin na nabawasan ng 35% ang fireworks-related injuries," sabi ni DOH Secretary Francisco Duque III sa Inggles.

"Walang nakalunok ng paputok, tinamaan ng ligaw na bala o namatay. Zero."

Nasa 164 lang ang naitalang kaso mula ika-21 ng Disyembre hanggang ika-1 ng Enero.

Mas mababa ito ng 87 kaysa sa iniulat na 251 naputukan noong nakaraang taon.

Narito ang bilang ng mga kaso mula sa iba't ibang rehiyon:

  • National Capital Region - 84
  • CALABARZON - 13
  • Ilocos Region - 12
  • Central Luzon - 11
  • Cagayan Valley - 10
  • Western Visayas - 10

"Ang bilang ng mga kaso ay mas mababa ng 71% kaysa sa 5-year average, mula 2014 hanggang 2018," dagdag pa ni Duque.

Sa kabuuan, bumaba ng 16% ang nadali sa Kamaynilaan ngayong taon.

Nasa 71% ang nagtamo ng "blast burns" na hindi nangangailangan ng amputation (pagputol ng parte ng katawan), 26% ang nagtamo ng eye injuries habang 4% naman ang nagtamo ng blast burns na humingi ng amputation.

Wika pa ng DOH, 70% ng mga injuries ay naitala sa mga kalalakihan.

Lumalabas din na mula 1-anyos hanggang 71-anyos ang nadisgrasya. 104, o 63% ng kabuuang bilang ng injuries, ay nagmula sa mga edad 15-anyos pababa.

Sa mga kaso, pinakamaraming nadali ang:

  • kwitis - 33
  • luces - 19
  • fountain - 18
  • piccolo - 13

Meron ding mga nadisgrasya ng ipinagbabawal na "boga" at baby rocket.

'Total ban para zero injuries'

Sa kabila ng pagbaba ng mga bilang, sinabi ng kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na hindi sila titigil hanggang maabot ang inaasam nilang "zero firework-related injury" tuwing holiday season.

"Pero paano maaabot 'yon? Kailangan nang ipagbawal ito [paputok]. Tulad ng iba pang mga bansa na nag-ban nito," ani Duque.

"Kapag tinignan mo ang mga datos, makikita na mas maraming na-injure ang ligal na paputok kaysa iligal."

Tanging piccolo at boga lang ang iligal sa listahan ng nakadisgrasya habang nagsanhi naman ng FWRI ang kwitis, luces, fountain at baby rocket.

Kabalintunaan daw kasi na ligal ang mga nabanggit habang ito ang may pinakamaraming na-injure.

"Sa totoo lang, baka magsanhi pa ito ng mas maraming injury dahil ang pag-intindi ng karaniwang tao... 'Oh, ligal pala 'yan eh. Eh 'di pwede natin gamitin. Sige, walang problema. Hindi pa tayo huhulihin," sabi niya.

Taong 2017 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 28, na nagreregula sa paggamit ng firecrackers at pyrotechnic devices sa mga community fireworks display upang mapababa ang disgrasya.

Walang sunog dahil sa paputok

Ikinatuwa naman ng Bureau of Fire Protection na walang sunog na nagmula sa mga paputok ngayong taon.

"Ayon po sa aming mga reports na nakalap sa iba't ibang bahagi po ng kapuluan, sa aming mga fire stations, ay wala pong naiulat na firecracker-related fire," sabi ni BFP spokesperson Ssupt. Geranndie Agonos.

Kung bibilangin din daw ang sunog na nangyari sa buong taon na may kaugnayan sa paputok, labis din daw itong nabawasan noong 2019.

Nasa 22 ang firecracker-related fire noong 2018 habang nasa 13 lang ito sa kabuuan ng 2019.

"[M]asasabi po naming receptive po 'yung ating kababayan in terms doon po sa ating paala-ala na umiwas sa paggamit ng firecrackers at pyrotechnics, o kaya naman, ay gamitin po ito sa itinalagang community fireworks display area," wika pa ni Agonos.

Sabi naman ni Lt. Col. Lorenzo Kim Cobre, officer-in-charge ng Firearms and Explosives Office, karamihan ng mga inaresto ngayong taon dahil sa pagpapaputok ay yaong mga gumamit nito labas sa firecracker zone.

"Gumagana, although 'yung mga tao, some are still practicing kung ano po 'yung nakagawian nila. Especially... 'yung night time, mahirap na pong kontrolin 'yun dahil nandoon lang po sila sa kanilang mga bahay," panapos niya.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DEPARTMENT OF HEALTH

FIRECRACKERS

FIREWORKS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with