^

Bansa

Magpapaputok sa Bagong Taon arestuhin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Magpapaputok sa Bagong Taon arestuhin
Nabatid na kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok sa bansa ang Piccolo, Watusi, Giant whistle bomb, Giant bawang, Large judas belt, Super lolo, Lolo thunder, Atomic bomb, Atomic bomb triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye earth, Goodbye bading, Hello Columbia, at Goodbye Philippines.
Krizjohn Rosales/File

Utos ng DILG

MANILA, Philippines — Inutos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pag-aresto sa mga taong gagamit pa rin ng paputok sa pagsalubong sa taong 2020.

 Ang kautusan ay ginawa ni Año upang matiyak na wala nang gagamit ng paputok para maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari.

 Una na ring inutos ng kalihim ang pagkum­piska sa mga illegal na paputok upang hindi na makapambiktima ang mga ito ng mga revelers.

 Tinagubilinan na rin ni Año ang Philippine National Police (PNP) na istriktong ipatupad ang batas na nagre-regulate sa paggawa, pagbebenta at paggamit ng paputok.

 “Ang mga ayaw sumunod, hulihin na po natin. Mas mabuti pang sa kulungan sila mag-Bagong Taon kaysa makadisgrasya o madis­grasya pa sila dahil sa iligal na paputok,” aniya.

 Nabatid na kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok sa bansa ang Piccolo, Watusi, Giant  whistle bomb, Giant bawang, Large judas belt, Super lolo, Lolo thunder, Atomic bomb, Atomic bomb triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye earth, Goodbye bading, Hello Columbia, at Goodbye Philippines.

vuukle comment

PAPUTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with