^

Bansa

Pantay na karapatan nina mister at misis isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na titiyak sa pantay na karapatan ng babae at lalaki sa ilalim ng Family Code of the Philippines.

Ayon kay Senator Nancy Binay, sa kasalukuyan ay mas napapaboran ang desisyon ng mga lalaki sa ilalim ng “laws on marriage and family relations.”

Kabilang sa mga nais amiyendahan ni Binay ang Article 96 ng Executive Order No. 209 na kilala rin sa tawag na Family Code kung saan mas nasusunod ang desisyon ng lalaki sa usapin ng “community property” at nagkakaroon lamang ng boses ang babae kung idadaan sa korte ang usapan.

Sa panukala ni Binay, nais nito na kapag nagkaroon ng hindi pagkakasundo sa community property, gagawin ng mag-asawa ang lahat ng paraan para magkasundo at saka dadalhin sa korte ang usapin kung walang napagkasunduan at hindi ipapaubaya na lamang sa lalaki ang pagdedesisyon.

vuukle comment

KARAPATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with