^

Bansa

Mayorya ng Pinoy pabor alisin na ang martial law sa Mindanao

Gaea Katreena Cabico - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat nang matapos sa hulihan ng taong 2019 ang martial law sa Mindanao, ayon sa isang bagong survey ng Social Weather Stations.

Sa 1,200 adult na sinaklaw ng survey, 65% ang nagsabing hindi na dapat palawigin ang martial law sa Mindanao nang lagpas pa sa December 31 deadline nito. May 34% lang ang naniniwalang dapat itong palawigin pa sa mas mahabang panahon habang 1% ang walang sagot.

Binanggit ng SWS na ang proportion ng mga nananawagang tapusin na ang martial law sa Mindanao sa pagwawakas ng taon ay mataas sa lahat ng lugar: 67% sa Metro Manila, 67% sa Visayas, 66% sa Ba­lance Luzon at 61% sa Min­danao.

Nasa ilalim ng martial law ang Mindanao mula noong Mayo 2017 kasunod ng isang enkuwentro ng mga tropa ng pamahalaan at ng Maute terror group sa Marawi City.

Ang survey ay isina­gawa noong Disyembre 13-16.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with