^

Bansa

18 arestado sa pagpapaputok ng baril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 18 katao ang mga naaresto dahil sa pagpapaputok ng baril, dalawang araw bago ang bagong taon.

Ayon kay PNP spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac, sa nasabing bilang ay dalawa ang sundalo mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, dalawang security guard mula sa Region 11 at isang pulis mula sa Region 13. 

Pinakamaraming naaresto sa NCR na may tatlo habang tig-2 naman sa Region 4A, 5, 10, 11, 12 at BARMM.

Nasa pito na ang bilang ng mga nasugatan, lima rito ay mula sa BARMM habang ang natitirang dalawa pa ay mula naman sa NCR.

Tatlo ang tinamaan ng ligaw na bala kung saan, dalawa mula sa Region 13 habang isa naman ang nagmula sa NCR.

Hinimok naman ni Banac ang publiko na agad ireport sa mga otoridad kung may mga kaso ng indiscriminate firing sa kani-kanilang mga lugar.

Todo paalala rin ang PNP na huwag gamitin ang mga baril bilang pagsalubong sa bagong taon.

Inihayag naman ni Banac na kasong criminal ang isasampa sa mga sibilyan na mahuhuling nagpapaputok ng baril.

Itinigil na ng PNP ang gun muzzling nuong 2016 pero paiiralin ang one-strike policy sa lahat ng mga police commanders sa sandaling magkaroon ng kaso ng indiscriminate firing sa kanilang lugar.

vuukle comment

FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with