^

Bansa

Dagdag-presyo sa petrolyo sasalubong sa bagong taon

Pilipino Star Ngayon
Dagdag-presyo sa petrolyo sasalubong sa bagong taon
Sa Martes, Disyembre 31, madaragdagan ang singil sa kada litro ng gasolina ng P0.80-P0.95/litro, P0.40-P0.50/litro sa diesel, at P0.30-P0.40/litro sa kerosene.
Kriz John Rosales/File

MANILA, Philippines — Bisperas pa lang ng bagong taon, agad sasalubungin ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga konsumer. 

Sa Martes, Disyembre 31, madaragdagan ang singil sa kada litro ng gasolina ng P0.80-P0.95/litro, P0.40-P0.50/litro sa diesel, at P0.30-P0.40/litro sa kerosene. 

Samantala, malaki-laki rin ang nakaambang taas-presyo sa LPG na magsisimula sa Enero 1. 

Tinatayang P7 hanggang P8 ang itataas ng kada kilo ng LPG o dagdag na P77 hanggang P88 sa 11-kilong tangke.

Ayon sa Department of Energy, hindi pa ito ang dagdag-singil ng excise tax dahil kailangang ubusin pa ang lumang stock ng langis.

Pero kapag epektibo na ito, ang magiging dagdag sa presyo sa mga produktong petrolyo batay sa batas ay: diesel, P1.68/litro; gasolina, P1.12/litro; kerosene, P1.12/litro; LPG, P1.12/kilo at auto-LPG, P1.68/litro.

Bunsod ng mga nakaambang pagtaas, nagsimula nang humirit ang mga grupo ng jeepney drivers ng dagdag singil sa pasahe o P11 minimum na pamasahe.

vuukle comment

DIESEL

LPG

TAAS PRESYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with