^

Bansa

Positibong resulta inaasahan sa ceasefire

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang security cluster ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdudulot ng po­sitibong resulta ang kasalukuyang umiiral na unilateral ceasefire sa pagitan ng gob­yerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi ni National­ Security Adviser Her­mo­genes Esperon Jr. na kahit umiiral ang unilateral ceasefire, nagpapakita ito na wa­lang kontrol ang grupo ni CPP founder Jose Maria Sison sa mga naglunsad ng mga pag-atake sa state for­­­ces at hindi tumalima sa ka­utusan ng gobyerno sa ngalan ng holiday season.

Ginawa na halimbawa ni Esperon ang magkakasunod na rebel attacks sa mga sundalo sa Bicol at Western Visayas regions na ikinasawi ng ilang buhay kahit umiiral na ang unilateral ceasefire na tatagal ng 15 araw.

Inihayag ni Esperon­ na alam talaga nila ang tunay na kulay­ ng mga komunista su­­ba­­lit pinagbibigyan ang mga panibagong pag­kakataon ng gob­yerno upang makuha lamang ang inaasam na pangmatagalang ka­payapaan para sa bansa.

Kung siya lang anya ang masusunod, hindi na nito ha­­hayaan na mag-ex­pire pa ang unilateral­ ceasefire hanggang sa makamtan ang sel­yado na usapang pang­kapayaan ng dalawang panig.

vuukle comment

CPP

HER­MO­GENES ESPERON JR

NDF

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with