^

Bansa

P11 minimum na pasahe sa jeep ikakasa sa Enero

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P11 minimum na pasahe sa jeep ikakasa sa Enero
Ang naturang taas-presyo ay masyado umanong mabigat sa bulsa ng tsuper na kumikita lang ng P400 hanggang P600 para sa 14 hanggang 16 oras na pagpasada.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Hihirit ang ilang transport group sa Enero na itaas sa P11 mula sa P9 ang minimum na pamasahe ng jeepney para sa unang 4 na kilometro.

Katwiran ni Pasang Masda president Obet Martin, tataas ng P1.50 kada litro ang presyo ng krudo sa Enero 1 dahil sa tax reform law.

Ang naturang taas-presyo ay masyado umanong mabigat sa bulsa ng tsuper na kumikita lang ng P400 hanggang P600 para sa 14 hanggang 16 oras na pagpasada.

Maaari rin aniyang tumaas sa P12 ang hirit nilang minimum fare kung papalo sa P49 ang kada litro ng diesel.

Nangako naman si Fejodap president Zeny Maranan na hindi magsasagawa ng transport strike ang kanilang mga grupo sakaling mabinbin ang pagpasa sa taas-pasahe.

Ang pagtataas sa singil sa pasahe lamang anila ang isang paraan upang mabuhay ang isang driver na umaasa sa arawang kita mula sa kanilang boundary sa pagmamaneho.

vuukle comment

JEEPNEY

PASAHERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with