^

Bansa

‘Lambanog poisoning’ pinaiimbestigahan ni Duterte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang insidente ng lambanog poisoning kamakailan.

Ayon kay Guevar­ra, nasa 17 katao na ang namatay habang 400 ang itinakbo sa ospital matapos malason sa lambanog.

Lumilitaw sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) na nagtataglay ng 11-18 porsiyento ng methanol ang lambanog na duma­le sa internal organs ng mga biktima.

Nagpositibo sa mataas na antas ng methanol ang pinakabagong batch ng lambanog na sumailalim sa pagsusuri ng FDA.

Nangangahulugan lamang na patuloy ang bentahan ng lambanog sa publiko.

Hindi naman ipinagbabawal pa ng DOH ang bentahan ng lambanog sa Luzon matapos na pumasa ang  lambanog sa FDA. Naghihigpit lamang sa mga walang label na lambanog.

vuukle comment

LAMBANOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with