^

Bansa

Brownouts sa 2020 nagbabadya

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa nagtatapos ang taong 2019, nagpapaalala na ang Department of Energy (DOE) sa mga esta­blisimiyento at kabahayan na magtipid sa konsumo ng kuryente dahil sa manipis na reserba ng enerhiya ng bansa.

Sinabi ni DOE Undersecretary Felix William Fuen­tebella na maaaring magdulot ng mga ‘brownouts’ ang manipis na reserba lalo na sa mga panahong mataas ang konsumo partikular na sa tag-init o summer.

Kaya ngayon pa lamang ay nagpapasabi na ang DOE sa Meralco, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at iba pang mga electric cooperatives, maging sa mga konsyumer na magtipid sa paggamit ng kuryente.? Sinulatan na ng DOE ang Meralco para magsimula nang maghanap ng mga alternatibong pagkukunan ng kuryente na kanilang idini-distribute sa kanilang mga kustomer.?

Sinabi ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga na may mga nakahanda silang pagkukunan ng kuryente ngunit ikinatwiran na hindi rin nila kontrolado kung magkakaroon ng pagpalya ng mga planta lalo na sa tag-init. ?

Pinakamabisa pa rin umano ang ngayon pa lamang ay magtipid na sa paggamit ng kuryente ang mga establisimiyento lalo na ang mga malalaking establisimiyento. Magsasagawa rin ang Meralco ng kampanya para sa pagtitipid para naman sa mga kabahayan.

vuukle comment

BROWNOUT

DEPARTMENT OF ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with