^

Bansa

Kaysa ipagbawal, paputok gustong buwisan ng 20% ng mga mambabatas

James Relativo - Philstar.com
Kaysa ipagbawal, paputok gustong buwisan ng 20% ng mga mambabatas
"[A]ng [dagdag] presyo ay magsisilbing 'reasonable disincentive'... para timbangin ng mamimili ang mas mahahalagang pangangailangan ng pamilya kumpara sa paputok," sabi ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. sa Inggles, Martes.
The STAR/Krizjohn Rosales, File

MANILA, Philippines — Nilalayon ngayon ng ilang kinatawan ng Kamara na mapatawan ng karagdagang 20% excise tax ang mga firecrackers at fireworks sa merkado kaysa tuluyang maipagbawal ng batas.

Isang araw bago ang Pasko nang ihain nina Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. at Rep. Elizaldy Co ang House Bill 1517, sa layuning mailayo ang paputok sa mga "iresponsableng tao."

"[A]ng [dagdag] presyo ay magsisilbing 'reasonable disincentive'... para timbangin ng mamimili ang mas mahahalagang pangangailangan ng pamilya kumpara sa paputok," sabi ni Garbin sa Inggles, Martes. 

Kung maipapasa, kokolektahin ito direkta mula sa mga mamimili.

Ika-20 ng Hunyo taong 2017 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 28 s. 2017 na nagreregula sa paggamit ng firecrackers at iba pang kahalintulad na gamit.

Dati nang hinihingi ni Digong sa Kongreso na magpasa ng batas na tuluyang magbabawal sa mga paputok, sa dahilang peligroso ito sa kalusugan at kaligtasan ng tao.

Matatandaang umabot sa 307 ang firecracker-related injuries mula ika-21 ng Disyembre, 2018 hanggang Enero 2019.

Sa ngayon, pito pa lang ang naitatalang sugatan mula ika-21 ng Disyembre, 2019.

"Ang mga kaso ngayong taon ay 30% mas mababa kumpara sa mga naitala noog 2018 (10) at 56% mas mababa mula sa five-year (2014-2018) average ng 16 kaso sa parehong panahon," sabi ng DOH sa isang pahayag.

Sa kabila nito, sinabi ni Garbin na maling pamamaraan ang pagbabawal ng firecrackers, sa dahilang lilikha lang ito ng black market ng nasabing produkto.

"Mas okey na hayaan itong maibenta pero paghihigpitan lang at bubuwisan," kanyang paliwanag.

Pinayuhan din ng mamamabatas na mag-donate ang industriya ng paputok sa DOH at Philhealth upang magkaroon ng dagdag pondo para sa emergency treatment at post-ER recovery ng firecracker victims.

vuukle comment

FIRECRACKER

FIREWORKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with