^

Bansa

Signal no. 3 nakataas sa 9 lugar ngayong Pasko

James Relativo - Philstar.com
Signal no. 3 nakataas sa 9 lugar ngayong Pasko
Natagpuan ang mata ng Typhoon Ursula 30 kilometro hilagangkanluran ng Roxas City, Capiz kaninang 7:00 nang umaga at may taglay na hanging aabot nang hanggang 140 kilometro kada oras malapit sa gitna.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Magiging mabagyo ang bungad ng Pasko para sa mga taga Visayas at katimugang bahagi ng Luzon sa patuloy na pananalasa ng bagyong "Ursula," Miyerkules.

Sa ulat na inilabas ng weather bureau 8:00 nang umaga, sinabing magdadala ang "eyewall" ng sama ng panahon ng mapaminsalang hangin at malalakas na pagbuhos sa timogkanlurang Masbate, Aklan, Capiz, hilagang Antique, hilagangsilangang Iloilo at Romblon.

"Maaapektuhan ng eyewall ang katimugang bahagi ng mga probinsya ng Mindoro sa mga susunod na oras," ayon sa PAGASA sa Inggles.

"Oras na tumawid ang mata sa mga nasabing lugar, mararanasan ang kalmadong kondisyon. Pero oras na lisanin nito ang lugar, magpapatuloy naman ang violent conditions na iniuugnay sa eyewall." 

Natagpuan ang mata ng Typhoon Ursula 30 kilometro hilagangkanluran ng Roxas City, Capiz kaninang 7:00 nang umaga at may taglay na hanging aabot nang hanggang 140 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Aabot naman ang bugso nito sa lakas na 195 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras pakanluran.

Kasalukuyan namang nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 3 sa:

  • kanlurang Masbate (Milagros, Aroroy, Mandaon at Balud)
  • Romblon
  • timog Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong at Bansud)
  • timog Occidental Mindoro (Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay at timog bahagi ng Sablayan)
  • Calamian Islands (Busuanga, Coron at Culion)
  • Capiz
  • Aklan
  • northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao, Barbaza at Laua-an)
  • hilagang Iloilo (Calinog, Bingawan, Passi City, San Enrique, San Rafael, Barotac Viejo, Ajuy, Lemery, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan at Carles)

Signal no. 2 naman sa:

  • timog bahagi ng Quezon (Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Andres at San Francisco)
  • Marinduque
  • nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
  • nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
  • Albay
  • Sorsogon
  • nalalabing bahagi ng Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
  • Cuyo Islands
  • extreme northern portion ng mainland Palawan (Linapacan, El Nido, Taytay, Araceli)
  • extreme northern Cebu kasama ang Bantayan Islands (Daanbantayan, Medellin, Bantayan, Sta. Fe, Madridejos, Bogo City, San Remigio, Tabogon at Tabuelan), nalalabing bahagi ng Iloilo
  • nalalabing bahagi ng Antique
  • Guimaras
  • hilagang bahagi ng Negros Occidental (Valladolid, Pulupandan, Bago City, Murcia, San Carlos City, Salvador Benedicto, Bacolod City, Talisay, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso at Calatrava)

Samantala, nananatili naman ang signal no. 1 sa:

  • Bataan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Cavite
  • nalalabing bahagi ng Quezon
  • Laguna
  • Batangas
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte
  • Catanduanes
  • nalalabing bahagi ng hilagang mainland Palawan (Dumaran, San Vicente at Roxas)
  • Cagayancillo Islands,
  • Northern Samar
  • Samar
  • Eastern Samar
  • Biliran
  • Leyte
  • Bohol
  • nalalabing bahagi ng Cebu
  • nalalabing bahagi ng Negros Occidental
  • Negros Oriental

Magsisimula namang makaapekto ang mga katamtaman hanggang malalakas na hangin sa hilagang bahagi ng Palawan at kalakhang CALABARZON ngayong umaga.

Tinatayang mararanasan naman ito sa Kamaynilaan at Bataan mula ngayong umaga hanggang hapon.

Mapaminsalang gale to strom-force winds naman ang magsisimulang maranasan sa Calamian Islands at Cuyo Islands ngayong umaga.

Inaasahan na rin ang pagsalpok ng mapaminsalang typhoon-force winds sa mga probinsya ng Mindoro sa pagitan ng umaga at hapon, habang inaasahan naman na tatama ito sa Calamian Islans sa pagian ng hapon hanggang gabi.

vuukle comment

PAGASA

TYPHOON

URSULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with