BIR, Customs nalagpasan ang target na kita
MANILA, Philippines — Nalampasan na ng BIR at Bureau of Customs ang kanilang target revenue na nakolekta sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, lumalabas na pumalo sa 107 percent ang TRAIN revenues sa unang siyam na buwan ng taong ito kumpara sa kaparehong period nung isang taon.
Umabot ang total revenues na nakuha sa TRAIN nang P91.3 billion sa unang quarter ng 2019 na di hamak na mas mataas sa collections estimate na P77.3 billion.
Welcome development aniya ito, ayon kay Chua sa gitna ng puntirya ng pamahalaan na maabot ang mga proyektong inilatag na may kinalaman sa mga infrastructure projects at human objectives na popondohan ng TRAIN.
Galing ang malaking kita na nakolekta ng BOC at BIR mula sa imported petroleum excise tax, sweetened beverage, tobacco, documentary stamp at personal income tax.
- Latest