^

Bansa

LTFRB: Angkas 'OA' lang sa bagong limitasyon sa bilang ng kanilang riders

Philstar.com
LTFRB: Angkas 'OA' lang sa bagong limitasyon sa bilang ng kanilang riders
Pinalagan naman ng Bayan Muna party-list ang LTFRB board member at sinabing minamaliit nila ang pagkawala ng trabaho ng nasa 17,000 katao.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Overreacting lang daw ang ride-hailing app na Angkas patungkol sa bagong cap na ipinataw sa extended pilot run ng motorcycle taxis, sabi ng isang board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Sabi ni LTFRB board member Antonio Gardiola, niloloko lang daw ng Angkas ang mga riders dahil "wala" naman daw mawawalan ng trabaho sa panibagong cap.

Aniya, mapatataas pa nga raw ng cap ang total ridersr sa Metro Manila mula 27,000 patungong 39,000.

Sa kabila nito, 10,000 bikers lang ang ilalaan para sa Angkas, dahilan para mabawasan sila ng 17,000 bikers.

"Nag-ooverreact lang kayo kasi mababawasan ang riders niyo na ngayo'y pwede nang mamili sa dalawang karagdagang providers para sa interes ng patas at obhetibong pag-aaral," sabi ni Gardiola sa Inggles.

Una nang sinabi ng LTFRB na ikakalat nila ang 39,000 bikers sa Angkas at panibagong players na JoyRide at Move It.

"Ang [tatlong] providers ay mga kasangkapan para sa pag-aaral at hindi para sa affairs ng [LTFRB technical working group]," sabi pa ni Gardiola.

Nakatakdang tumakbo ang pagpapalawig ng motorcycle pilot implementation scheme mula ika-23 ng Disyembre, 2019 hanggang ika-23 ng Marso, 2020.

Sabi pa ng LTFRB, tila mas interesado ang Angkas sa kita kaysa sa study sa pilot run ng motorcycle taxis.

'OA? Nawawalan ng trabaho ang tao'

Pinalagan naman ng Bayan Muna party-list ang LTFRB board member at sinabing minamaliit nila ang pagkawala ng trabaho ng marami.

Aniya, hindi lang naman daw ang Angkas ang umaangal sa panibagong maniobra ng LTFRB ngunit pati ang karaniwang komyuter.

"May malawakang galit mula sa mga commuters na matagal nang frustrated sa estado ng ating pampublikong transportasyon," sabi ni Rep. Ferdinand Gaite (Bayan Muna party-list).

"Sa pagtatangka niyang maliitin ang opinyong publiko, ipinakita lang niya kung gaano siya ka-detached mula sa karaniwang Pilipino."

Kwinekwestyon din ni Gaite kung meron na nga bang mekanismo para masigurong maaabsorb sa mga panibagong providers ang 17,000 riders.

"Wag niyang sabihin na safety study lang ito. Usapin ito ng kita ng bawat isang ordinaryong biker na may pamilyang pinapakain, usapin ito ng bawat commuter na humahanap ng mas epektibong paraan araw-araw para umiwas sa trapik. 'Di na nga matugunan ng gobyerno ang krisis na ito sa mass transport system, na siyang bahagyang nasu-solusyonan ng bike-hailing rides, ay magdadagdag pa ng problema ang LTFRB!" panapos ni Gaite.

Nakikiusap naman ngayon si Sen. Grace Poe kay LTFRB Chairman Martin Delgra na pag-isipan ang pagpapatupad ng panibagong cap lalo na't mataas ang demand ngayong holidays.

Paliwanag ni Poe, maaapektuhan ng polisiya ang "convenience" at kaligtasan ng mga mananakay, lalo na't wala pa raw ng kahalintulad na safety rating ang mga panibagong competitors ng Angkas.

"Siguro naman may paraan para ma-accomodate ang new players sa pilot program nang hindi napeperwisyo ang riding public," sabi ni Poe. — may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray

vuukle comment

ANGKAS

BAYAN MUNA

GRACE POE

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with