^

Bansa

Matapos ang 11 patay, publiko pinaghihinay ng Palasyo sa 'lambanog'

James Relativo - Philstar.com
Matapos ang 11 patay, publiko pinaghihinay ng Palasyo sa 'lambanog'
"Ikinaaalarma ng Palasyo ang mga kaso ng lambanog poisoning sa Laguna at Quezon," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag sa Inggles.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Ikinalungkot ng Malacañang ngayong Lunes ang ulat ng kabila't kanang casualty na naitala sa Laguna at Quezon dulot ng pag-inom ng "lambanog."

Sa ulat ng DZMM ngayong araw, sinabing 11 na ang namamatay sa nasabing nakalalasing na alak.

Ngayong Lunes, kinumpirma ng Philippine General Hospital na meron silang 68 na pasyente kaugnay ng insidente.

Kasunod ng insidente, pansamantala munang ipinagbawal ni Laguna Gov. Ramil Hernandez noong Linggo ang pagbebenta at pagbili ng lambanog.

"Ikinaaalarma ng Palasyo ang mga kaso ng lambanog poisoning sa Laguna at Quezon," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag sa Inggles.

"Pinaaalalahanan namin ang publiko na laging tignan ang binibiling alak, o anumang produktong kanilang kinokonsumo, kung rehistrado't aprubado ng Food and Drug Administration."

Kinumpirma din ng PGH na methanol poisoning ang dinanas ng mga nabanggit.

Isa sa mga pasyente ang kasalukuyang nasa intensive care unit at sumasailalim sa dialysis upang matanggal ang asido sa kanyang dugo.

Dalawa na lang din ang nananatili sa emergency room sa ngayon.

"Hinihingi ng kahinahunan na lagi tayong maging maingat sa kung ano ang ating iinumin, lalo na ngayong panahon ng pagdiriwang," kanyang panapos.

vuukle comment

LAGUNA

LAMBANOG

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

QUEZON

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with