^

Bansa

Taas presyo sa diesel, kerosene nagbabadya

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Taas presyo sa diesel, kerosene nagbabadya
Sa pagtataya ng mga oil industry experts, inaasahan na tumaas ang diesel mula P1.10 hanggang P1.20 kada litro habang ang kerosene ay P1 hanggang P1.10 kada litro.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagbabadya na naman na magmahal ang presyo ng mga produktong petrolyo partikular ang diesel at kerosene ngayong darating na linggo.

Sa pagtataya ng mga oil industry experts, inaasahan na tumaas ang diesel mula P1.10 hanggang P1.20 kada litro habang ang kerosene ay P1 hanggang P1.10 kada litro.

Maaari namang walang maganap na paggalaw sa gasolina o mabawasan ng bahagya sa halagang P.10 sentimos kada litro.

Paliwanag ng mga taga-industriya, tumaas ang demand o panga­ngailangan sa diesel kumpara sa gasolina kasunod ng kasunduan ng China at US.

Matatapat ang natu­rang pagtataas sa Martes ng umaga na bisperas ng Pasko.

Samantala, pansamantalang mawawalan ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila, Cavite at Bulacan nga­yong darating na linggo dahil sa ginagawang maintenance work ng Manila Electric Company (Meralco).  

Sa kabila nito, tiniyak ng Meralco na walang magaganap na ‘power interruptions’ sa lahat ng kanilang mga kustomer sa Disyembre 24 at sa mismong araw ng Pasko sa Disyembre 25.

Kabilang sa mga apek­tadong lugar ang Pasong Tamo, Quezon City (Dis­yembre 23), Malolos City, Bulacan (Disyembre 27-28), Dasmariñas at Ge­neral Trias City, Cavite (Dis­yembre 28-29), Bocaue, Bulacan (Disyembre 29).

vuukle comment

OIL PRICE HIKE

TAAS PETROLYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with