^

Bansa

Yaman ng mga Ampatuan hahabulin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Yaman ng mga Ampatuan hahabulin
Ayon kay Atty. Harry Roque, isa sa mga legal counsel, aalamin nila ang mga pagmamay-ari ng mga Ampatuan at hihilingin sa korte na i-freeze ang natu­rang mga ari-arian ng mga Ampatuan kung kinakailangan at maibi­gay sa mga pamilya ng mga namatay.
STAR, File

MANILA, Philippines — Isang araw matapos mapatawan ng Reclusion Perpertua, plano naman ng mga abogado ng mga naging biktima ng Maguinda­nao massacre na habulin ang mga ari-arian ng pamilya Ampatuan at maibigay sa mga pamilya ng biktima.

Lima sa pitong mi­yembro ng pamilya Ampatuan na kinabibila­ngan nina dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., dating Autonomous Region in Muslim Mindanao gover­nor Zaldy Ampa­tuan, Anwar Ampatuan Sr., Anwar “Ipi” Ampatuan Jr., at Anwar Sajid “Ulo” Ampatuan ang nasentensiyahan ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jo­celyn Solis-Reyes sa 57 counts ng kasong murder.

Ayon kay Atty. Harry Roque, isa sa mga legal counsel, aalamin nila ang mga pagmamay-ari ng mga Ampatuan at hihilingin sa korte na i-freeze ang natu­rang mga ari-arian ng mga Ampatuan kung kinakailangan at maibi­gay sa mga pamilya ng mga namatay.

Nakasaad sa desis­yon ng korte na ang  ba­­wat isang biktima ay dapat na tumanggap ng P1 milyon bilang danyos.

Bagamat walang katumbas na halaga ang  buhay ng mga namatay, naniniwala si Roque na sapat ang halaga para sa mga pamilya ng karumal-dumal na krimen.

Matatandaang  nag­sam­pa ng forfeiture case ang Ombudsman laban kay dating Maguin­danao governor Andal Ampatuan Sr. dahil sa unexplained assets na umaabot sa P54.966 mil­yon. Namatay si Andal Sr. noong 2015.

Lumilitaw na si Andal Sr. ay nagmamay-ari ng 19 real estate pro­­perties, 35 motor vehicles na umaabot sa P45.7 million at 23 undeclared firearms na nagkakaha­laga ng P3.838 milyon.

vuukle comment

AMPATUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with