‘Pinas wala dapat paki sa Trump impeachment’
MANILA, Philippines — Naniniwala ang ilang senador na hindi dapat nakikisawsaw ang Pilipinas sa impeachment ni United States President Donald Trump.
Ayon kay Sen. Francis Tolentino, isang “sovereign state” ang Amerika at hindi dapat pinakikialaman ang mga “internal affairs” nito.
“We should not interfere with the internal affairs of another state,” sabi ni Tolentino.
Pero maari naman aniyang magmasid ang Pilipinas katulad na lamang ng nangyaring Brexit developments sa United Kingdom at iba pang kahalintulad na makasaysayang pangyayari sa mundo.
Naniniwala naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na walang magiging epekto sa bansa ang impeachment ni Trump.
Bagaman at walang kinalaman sa isyu ni Trump, matatandaan na ilang senador din ang pagpahayag na hindi dapat pinakikialaman ng mga US Senators ang gobyerno ng Pilipinas matapos magpasa ng resolusyon na humihiling na palayain si Sen. Leila de Lima.
- Latest