^

Bansa

Bitay pinababalik dahil sa Maguindao massacre

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinamamadali ni Sen. Imee Marcos ang pagtalakay sa pagbabalik ng parusang kamatayan kasunod ng guilty verdict ng korte sa brutal na 2009 Maguindanao massacre.

Sinabi ni Marcos na dapat ikonsidera ang pagbabalik ng death penalty sa mga krimen na sobrang brutal at hindi na makatao.

“The death penalty’s revival should be given serious thought for crimes of an unimaginable level of brutality and inhumanity, as in the Maguindanao massacre,” sabi ni Marcos.         

Ayon pa kay Marcos, hindi na saklaw ng Revised Penal Code ang takot na naranasan ng mga kamag-anak ng mga pinatay na biktima lalo na ang pamilya Mangudadatu at mga naulilang anak at kamag-anak ng mga pinatay na mga mamamahayag.

Aminado naman si Marcos na kinontra niya ang pagbabalik ng parusang kamatayan noong siya ay isa pang congresswoman at palagi umano siyang nakikipagtalo sa kanyang ina.

Pero dapat din aniyang magbago ang batas at tumugon sa kasalukuyang panahon.

Hindi naman aniya dapat saklawin ng parusang kamatayan ang mga kabataan at dapat ilimita rin sa malaking drug trafficking at plunder.

vuukle comment

IMEE MARCOS

MAGUINDAO MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with