^

Bansa

131 mambabatas ipinatutuloy ang peace talks sa CPP-NPA-NDFP

James Relativo - Philstar.com
131 mambabatas ipinatutuloy ang peace talks sa CPP-NPA-NDFP
Ang House Resolution 636, ayon kay Bayan Muna party-list, ay isang malakas na mensahe mula sa Kamara para isulong ang peace process at tapusin ang ugat ng limang-dekadang armadong rebelyon.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nagkaisa ang 131 mambabatas mula sa sari-saring grupong pulitikal ng House of Representatives upang muling manumbalik sa negotiation table ang gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines.

Ang House Resolution 636, ayon kay Bayan Muna party-list, ay isang malakas na mensahe mula sa Kamara para isulong ang peace process at tapusin ang ugat ng limang-dekadang armadong rebelyon.

"Umaasa kaming ang GRP-NDFP peace talks ay muling masisimulan ng dalawang partido nang walang preconditions at alinsunod sa mga dati nang naihang agenda at nalagdaang kasunduan," sabi ni House Deputy Minoruty Leader Carlos Zarate sa Inggles, Biyernes.

Kasama sa mga pumirma sa resolusyon ay sina Deputy Speakers Neptali Gonzales II, Luis Raymond Villafuerte Jr., Loren Legarda, Evelina Escudero, Johnny Pimentel, Eduardo Villanueva at Michael Romero. 

Nariyan din ang majority stalwarts tulad nina Reps. Maria Laarni Cayetano, Joey Sarte Salceda, Antonio Albano, Elpidio Barzaga Jr. at Rufus Rodriguez.

Sa hanay ng minorya, nariyan naman sina Minority Leader Bienvenido Abante at Deputy Minority Leader Jose Christopher Belmonte.

Bagama't sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na permanente na niyang tinatapos ang usaping pangkapayapaan sa mga komunista, matatandaang ipinadala niya si Labor Secretary Silvestre Bello III sa Netherlands nitong Disyembre upang makipag-usap kay Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison.

"Alam mo, kailangan niyong maintindihan na ang landas sa pangmatagalang kapayapaan ay laging nariyan, hindi para sa militar at pulis, pero para sa lahat," sabi ni Digong nitong buwan.

"Dapat laging bukas ang pintuan o dapat merong kahit isang channel... na pwede mong makausap."

Suportado naman ng Armed Forces of the Philippines ang nasabing "exploratory talks" sa CPP, NDFP at New People's Army, ngunit malamig sa ideya nang tigil-putukan ngayong Kapaskuhan. 

Nananabotahe sa peace talks?

Bagama't bumubukas muli ang usapin ng peace talks, nagbabala naman si Zarate tungkol sa mga diumano;y "nananabotahe" upang hindi matuloy ang pag-uusap.

"Noong nakaraan, ang mga peace saboteurs... tulad nina National Security Adviser Hermogenes Esperon, na dumiskaril sa peace negotiations noong pagpupulong ng peace panels kahit na meron nang nasimulang joint stand-down agreement sa pagitan ng gobyerno at NDFP," ani Zarate.

Sa ngayon kasi, naglalatag na raw ng mga preconditions ang mga nabanggit upang hindi ito masimulang muli.

Sa ulat ng ABS-CBN, una nang sinabi ni Sison na marami pang dapat ayusin kung layong isagawa ang peace talks mismo sa Pilipinas.

"Maganda na dumadami ang mga kapwa naming mambabatas na nakakikita ng pangangailangan sa genuine peace... at hindi sila nagpapadala sa mga kasinungalingan ng mga militarista, sa loob at labas ng gobyerno," kanyang panapos.

vuukle comment

BAYAN MUNA

CARLOS ZARATE

CPP-NPA-NDF

HOUSE OF REPRESENTATIVES

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with