^

Bansa

Iba pang utility firms sisilipin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos sumingaw kamakailan ang maanomalyang kontrata ng gobyerno sa dalawang water concessionaires, sisilipin na rin ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang ibang operasyon ng mga utility companies.

Ayon kay Cong. Yap, “Gusto nating malaman kung tama ang singil ng telepono at kuryente sa mga konsyumer hindi lang dito sa NCR (National Capital Region) kundi pati sa mga probinsiya rin”. 

Sinabi ni Cong. Yap, nais niya lang masiguro ang proteksyon ng mga tao laban sa mapang-abusong mga kumpanya.

“Dapat pinapagaan ng mga kumpanyang ito ang buhay ng mga tao dahil negosyo nila ay tubig, kuryente, at komunikasyon,” ayon pa sa mambabatas.

Paliwanag niya, may mga natatanggap na raw siya na reklamo hinggil sa walang kuwentang serbisyo ng ilang utility companies pero pagdating sa singilan mabilis at maagap daw.

Hinihikayat niya rin ang mga mamamayan na kung may reklamo laban sa mga utility companies sa kanilang lugar na magsumbong sa mga kinauukulan para maaksyunan ang problema nila.

vuukle comment

ERIC YAP

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with