^

Bansa

Government employees tataas na ang suweldo - Sen. Go

Pilipino Star Ngayon
Government employees tataas na ang suweldo - Sen. Go
Ipinaliwanag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, co-sponsor ng nasabing bill, na ang SB 1219 ay batay na rin sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na isulong ang batas na magbebenepisyo o magtataas ng sahod ng lahat ng opisyal at sibilyan na empleyado ng pamahalaan.
Geremy Pintolo/ File

MANILA, Philippines — Matapos sertipikahan ni Pangulong Duterte bilang “urgent” noong Lunes, agad ding ipinasa ng nasabing araw ng mga senador ang panukalang naglalayong itaas ang sahod ng mga kawani ng gobyerno.

Ang Senate Bill (SB) No. 1219 na layong pagkalooban ang civilian government employees ng salary increase ay ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado.

Halos lahat ng senador ay bumoto pabor sa nasabing panukala, maliban kay Sen. Franklin Drilon na tumutol na dagdagan ang suweldo ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Ipinaliwanag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, co-sponsor ng nasabing bill, na ang SB 1219 ay batay na rin sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na isulong ang batas na magbebenepisyo o magtataas ng sahod ng lahat ng opisyal at sibilyan na empleyado ng pamahalaan. 

Matapos sertipikahang “urgent” ng Presidente, noong Lunes din ay ipinagpatuloy ng mga senador ang ikatlo at huling pagbasa sa panukala pagkatapos ng second reading. Batay sa rule, kailangang palipasin muna ang tatlong araw matapos ang second reading bago ituloy ang huling pagbasa.

Naging basehan ng SB 1219 ang naunang SB 200 na inihain ni Go noong unang linggo pa lang ng pagkakaupo niya bilang senador.

vuukle comment

FRANKLIN DRILON

SENATE BILL (SB) NO. 1219

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with