Mga sundalo, pulis na wounded-in-action sa Sulu pinarangalan ni Duterte, Sen. Go
MANILA, Philippines — Binigyan ng parangal at pagkilala nina Pangulong Duterte at Sen. Bong Go ang mga sundalo at pulis na nasugatan sa pakikipagbakbakan sa mga terorista sa Sulu.
Ginawaran ng Pangulo ng Order of Lapu-Lapu ang mga sundalo at pulis na nakaratay sa Trauma Ward ng Camp Teodulfo Bautista Station Hospital na nasa loob ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters sa Brgy. Bus-Bus sa Jolo, Sulu.
Bukod sa medalya na iginawad ng Pangulo, nagbigay naman si Sen. Go ng cash at iba pang assistance sa mga sugatang uniformed personnel, pati sa kanilang pamilya.
Nagsalita sa harap ng mga tropa ng AFP, labis na pinasalamatan ng Chief Executive ang mga kawal sa kanilang serbisyo kahit pa holidays.
Ibinigay din ng Pangulo ang kanyang suot na camouflaged polo sa isang sugatang sundalo.
Samantala, matapos ang nasabing event ay nagtungo naman si Sen. Go sa mga miyembro ng indigenous cultural community para mamahagi ng tulong at alamin ang kanilang kalagayan.
Sina Pangulong Duterte at Sen. Go ay palaging naglalaan ng kanilang oras upang bigyang halaga ang mga uniformed men and women na gumaganap ng kanilang tungkulin para mapanatiling tahimik at ligtas ang mga komunidad laban sa masasamang loob.
- Latest