^

Bansa

Documentary film na ‘Gramo’ ipapalabas sa mga bus

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Documentary film na �Gramo� ipapalabas sa mga bus
Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, lahat ng mga lugar na may makikitang screen ay ikokonsidera nilang mabigyan ng kopya ng kanilang inihandang documentary na pinamagatang “gramo.”
Boy Santos/ File

MANILA, Philippines — Bukas ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa mungkahing mapanood din sa mga bumibiyaheng bus na mayroong TV screens ang 50 minutong documentary na nagpapakita sa masamang epekto at kasalukuyang drug situation sa bansa.

Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, lahat ng mga lugar na may makikitang screen ay ikokonsidera nilang mabigyan ng kopya ng kanilang inihandang documentary na pinamagatang “gramo.”

Aniya, malaki ang maitutulong nito upang mas mapalawak pa ang kanilang information dissemination sa gitna ng patuloy na pagpupursige ng Administrasyon na maihatid ang  karu­maldumal na epekto ng droga sa lipunan.

Layon talaga ng 50 minutong dokumentaryo na maipakita ang drug scenario sa international at diplomatic community ganundin sa United Nations sa Geneva at New York na idadaan sa permanent mission ng Pilipinas.

Makikita din sa documentary ang Chinese drug lord na si Lim Seng na nasintensiyahan ng parusang  kamatayan at na- firing squad nuong January 15, 1973 sa Fort Bonifacio dahil sa drug offense.

vuukle comment

MARTIN ANDANAR

PCOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with