Peace talks sa CPP uusad sa Enero
MANILA, Philippines — Itutuloy na ng pamahalaan ang ‘peace talks’ sa Communist Party of the Philippines (CPP) sa Enero.
Ito ang kinumpirma ni dating chief negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello.
Ayon kay Bello, pumayag ang CPP founder na si Joma Sison na magkaroon ng ‘face to face meeting’ kay President Rodrigo Duterte.
Sa ngayon ay hindi pa napagkakasunduan ang magiging venue nito.
Sinabi ni Bello na kailangan ang peace talks para sa mas maunlad na Pilipinas at maiwasan na ang karahasan.
“Kung maganda ang maging desisyon ng ating Pangulo, baka second or third week of January po,” ani Bello.
- Latest