^

Bansa

Anomalya sa PHISGOC, bubusisiin ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Anomalya sa PHISGOC, bubusisiin ng Ombudsman
Ito ay makaraang buuin ni Ombudsman Samuel Martires ang seven-member panel’s fact-finding team na mag- iimbestiga sa mga opisyales ng PHISGOC kasama na si House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay ng ulat.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bubusisiin ng Office of the Ombudsman ang kontrobersiyal na ulat na may korapsyong naganap sa Philippine Sea Games Organi­zing Committee (PHISGOC) ng bansa.

Ito ay makaraang buuin ni Ombudsman Samuel Martires ang seven-member panel’s fact-finding team na mag- iimbestiga sa mga opisyales ng PHISGOC kasama na si House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay ng ulat.

Nagkaroon ng ulat na nagkaroon ng anomalya sa PHISGOC nang mapansin ang sobrang laki ng gastos ng pamahalaan sa SEA Games tulad ng paggastos ng  P55-million SEA Games cauldron at ang maluhong preparasyon para sa venue.

Bubusisiing mabuti ng Ombudsman ang katotoha­nan sa mga bintang at lalapatan ng parusa ang sinumang opisyales ng pamahalaan na mapapatunayang may pagkakasala sa batas hinggil dito.

Bagamat may negatibong ulat sa SEAG maraming ma­mamayan naman ang na­mangha at natuwa sa ma­gandang at garbing opening ng SEAG, gayundin ang humakot ang Pilipinas ng mga medalyang ginto na nagbigay pugay sa ating bansa.

May 1,115 atleta at 753 coaches at opisyales ang nag represent sa 56 ibat-ibang laro bilang host country sa SEAG.

vuukle comment

SAMUEL MARTIRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with