^

Bansa

Joma ‘di na dapat magdalawang isip sa alok na peace talks ng gobyerno

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ng Malacañang si CPP founding chairman Jose Maria Sison na huwag ng magdalawang-isip sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang peace talks.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, kung gusto ng Communist Party of the Philippines -News Peoples Army (CPP-NPA) na matuloy ang peace talks dapat magpakita ito ng sinseridad sa gobyerno.

Tumanggi ang communist group na buhayin ang peace negotiations kung sa Pilipinas gagawin ito.

Sinabi ni Panelo, hindi na dapat maging mahalaga pa ang lugar na pagdarausan ng peace talks dahil ang mahalaga ay ang sinseridad ng dalawang panig. 

Magugunitang kinansela ni Pangulong Duterte ang peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at mga komunista matapos atakihin ng rebeldeng grupo ang puwersa ng pamahalaan habang may peace talks. Noong nakaraang linggo naman ay inihayag ng Pangulo na ipapadala niya si Labor Sec. Silvestre Bello III sa Netherlands para makausap si CPP founding chairman Jose Maria Sison para sa umanoy last card sa pagtuldok ng limang-dekadang rebelyon ng mga makakaliwang grupo.

Idinagdag ni Panelo na handang hilingin ng gobyerno sa korte na isuspendi ang arrest warrant kay Sison at bibigyan ng safe conduct pass kung uuwi sa Pilipinas para ituloy ang usapang pang­kapayapaan.

Nangangamba si Sison at ibang CPP leaders na arestuhin sila kapag nagtungo sa Pilipinas.

vuukle comment

JOSE MARIA SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with