^

Bansa

Hirit na live coverage sa Maguindanao massacre case, papasyahan ngayon ng SC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilalabas na ngayon ng Supreme Court en banc ang kanilang desisyon kung papayagan ang live coverage at online streaming ng media sa hatol sa mga suspek sa Maguindanao massacre multiple murder case na nakatakda sa Disyembre 19.

Ayon kay SC Justice Diosdado Peralta, may rekomendasyon na mula sa  Office of the Court Administrator at Public Information Office subalit kailangang isangguni sa en banc. 

Kasama sa sinasabing rekomendasyon ang detalye      

kung ilang reporter ang papayagang pumasok o tumambay sa labas ng courtroom sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, pero nakadepende pa rin ito sa desisyon ng SC en banc.

Nauna nang nagpahayag ang ilang media organizations at sumulat sa Supreme Court na payagan sila para sa live coverage sa paglalabas ng hatol dahil sa mataas na public interest sa kaso.

Gagawin ang pagbaba ng kaso sa loob ng kampo ng pulisya imbes na sa sala ng korte.

Magtatalaga rin ang National Capital Regional Police Office ng hiwalay na akreditasyon para sa mga reporter.

Sinabi naman ni NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas na kung sakaling mabigyan ng akreditasyon ng Kataas-taasang hukuman ay kinakailangan pang humingi ng permisyo ng media sa NCRPO Public Information Office bago makapasok sa bisinidad.

Ani naman ni Peralta na ikukunsidera nila ang suhestiyon ng NCRPO.

“We have to coordinate with them because we could not provide the security. The SC does not have yet marshals,” paliwanag pa ni Peralta.

Samantala, sinabi naman ni Peralta na hindi humingi na dagdag na seguridad ang hukom na si Judge Jocelyn Solis-Reyes, na may hawak sa kaso.

Ginampanan lamang ni Solis- Reyes ang kanyang tungkulin at binigyan niya ng due process sa ilalim ng Konsititusyon ang kaso.

vuukle comment

MAGUINDANAO MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with