^

Bansa

Water jeepneys, aarangkada ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Biyaheng Cavite-Manila

MANILA, Philippines — Aarangkada na nga­yong araw ang biyahe ng water jeepney, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Isang buwan muna na magbibigay ng libreng sakay ang water jeepney bilang pamaskong handog ng DOTr, MARINA, PCG, PPA at lokal na pamahalaan ng Cavite, sa publiko.

Inilunsad ng DOTr-Marina ang naturang jeepneys upang mapaikli ang biyahe mula Cavite hanggang Maynila at pabalik na mula sa dating 3-4 oras, ay maging 15-20 minuto na lamang.

Kabilang sa magiging ruta nito ay Cavite City Port Terminal-Cavite City Hall patungong CCP Port gayundin sa Liwasang Bonifacio at pabalik.

Kumpiyansa si DOTr Secretary Arthur Tugade na makatutulong ang pagbubukas ng naturang ferry boat service sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil magkakaroon na ang publiko ng opsyon para sa water transportation.

Ang pamasahe mula CCP hanggang Cavite at pabalik ay nasa P200, P160 sa estudyante, P143 kapag senior citizen at P125 kapag bata na nasa edad apat hanggang 11-taong gulang.

Ang ruta naman na Cavite to Lawton at pabalik ay P160 ang pamasahe, P128 kapag estudyante, P114 kapag senior citizen at P80 kapag bata na edad 4-11. 

vuukle comment

BIYAHENG CAVITE-MANILA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with