^

Bansa

Presyo ng galunggong, P360/kilo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na maituturing na pagkain ng mahirap ang galunggong dahil umabot na sa P360 per kilo ang presyo nito.

Ayon kay Marcos, chairperson ng Senate commitee on economic affairs, dapat kumilos ang gobyerno kung papaano mapapababa ang presyo ng isda.

Sinabi pa ni Marcos na sosyal na ang galunggong dahil mas mahal pa ito sa manok, baka at baboy.

Ayon pa kay Marcos, umaaray na ang mga tindera at mga mamimili sa dumobleng presyo ng galunggong at iba pang isda sa ilang panguna­hing palengke sa Metro Manila.

Dati ay naglalaro lamang sa P150 hanggang P160 ang galunggong pero naitala ang pinakamahal na presyo na P360 sa Mega Q Mart.

Sa Pasig city market, pumalo naman sa P240 ang kilo ng GG mula sa dating P120-P140 per kilo.

Sa Muñoz public market, ang presyo ng GG ay nasa P260-P280.

Bukod sa galunggong, nagtaasan din ang presyo ng iba pang mga isda sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila gaya ng tilapia na nasa P120-P130 mula sa dating P90-P100 at bangus na dating P130 ang kilo ay nasa halos P200 na.

Sinasabing tumaas ang presyo ng mga isda dahil sa African Swine Fever scare.

vuukle comment

GALUNGGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with