^

Bansa

'Imported GG' sagot ng BFAR kontra pagpalo ng galunggong sa P300/kilo

James Relativo - Philstar.com
'Imported GG' sagot ng BFAR kontra pagpalo ng galunggong sa P300/kilo
Pero ayon sa PAMALAKAYA, makasasama ang importasyon dahil mapabababa nito ang farmgate price ng sariwang-huling isda ng local fishermen, maliban sa hindi sila makapagco-compete sa mga banyaga.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Upang pahupain ang pagsirit ng presyo ng galunggong sa merkado, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na magpapapasok sila ng karagdagang suplay ng naturang isda sa Pilipinas.

Umaabot ngayon sa P300 kada kilo ang bentahan ng "poor man's fish" sa ilang palengke bunsod ng lagay ng panahon at gastos sa produksyon, ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona.

"Walang isda kapag may ulan, mayroon bagyo. Limitado ang labas ng mga mangingisda dahil malakas ang tubig, very dangerous sa kanila 'yon," sabi niya sa ulat ng ABS-CBN.

Nagpapatupad din daw ng fishing ban ngayon ang Palawan, kung saan nanggaling ang 92% ng suplay ng galunggong.

Aabot tuloy sa 45,000 metric tons ng galunggong mula sa Tsina at Vietnam ang ii-import sa bansa para umagapay sa kakulangan.

"Yong pag-import ay para punan lang 'yong kulang para hindi mag-spike ang presyo," sabi pa ni Gongona.

Artipisyal na shortage?

Pero hindi naman pabor sa solusyon ng gobyerno ang ilang mangingisda.

Para sa Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas ngayong Biyernes, hindi raw talaga maipapa-stable ng importasyon ang presyo't suplay ng isda.

"Sa totoo lang, hindi naman talaga kulang ang suplay ng isda. Ang artipisyal na shortage ay idinulot ng mga 'di makatarungang fishing ban at 'off seasons' sa mga mga mayor na palaisdaan mg bansa," sabi ni Fernando Hicap, pambansang tagapangulo ng PAMALAKAYA, sa Inggles.

Sabi ng grupo, maaaring nagbunsod ng "panic fishing" ang malalakihang fishing fleets sa Palawan at Zamboanga bago ipinatupad ang tatlong-buwang ban.

Ayon pa kay Hicap, dapat pa ngang i-engganyo ng gobyerno ang municipal fishers na mangisda kung may scarcity para mapataas ang municipal fisheries production.

Makasasama rin daw ang importasyon dahil mapabababa nito ang farmgate price ng mga sariwang-huling isda ng local fishermen, maliban sa hindi sila makapagco-compete sa mga banyaga.

"Ang niyeluhang isda mula sa ibang bansa, na hindi gaano kagandahan ang kaledad, ay talagang mas mura. Magiging katulad nito ang epekto ng Rice Liberalization Law sa mga lokal na magsasaka ng bigas," sabi pa niya.

"Patunay ito lalo kung paanong sinasabotahe ng liberalisasyon ng agrikultura at pangingisda ang kabuhayan ng mangingisdang Pinoy sa bansa."

Bukod pa rito, nakababahala raw ito dahil maisasapeligro ang kalusugan ng mga Pilipino sa pagpasok ng mga bilasang isda na ginagamitan ng formalin.

Naghahanda ngayon ang PAMALAKAYA na sugurin ang tanggapan ng Department of Agriculture sa susunod na linggo para kundenahin ang serye ng liberalisasyon na sektor ng pangingisda at agrikultura.

vuukle comment

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

FISH

GALUNGGONG

IMPORTATION

PAMALAKAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with