Live coverage sa Maguindanao massacre verdict, hingi sa SC
MANILA, Philippines — Nagsama-sama ang iba’t ibang media organizations upang hilingin sa Korte Suprema na payagan ang live coverage sa promulgation ng Maguindanao massacre case na isasagawa sa courtroom ng Camp Bagong Diwa, Taguig sa Disyembre 19.
Pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) at ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ang petition na nagsabing ang live coverage ay pagbibigay ng pagkakataon sa pamilya ng mga biktima na mapanood ang magiging desisyon ng korte.
Karamihan sa mga pamilya ng biktima ng Ampatuan ay hindi na kayang pumunta sa Maynila upang marinig ang desisyon ni Judge Jocelyn Solis-Reyes sa 58 counts ng kasong murder.
Ang petition na isinumite sa Supreme Court noong Disyembre 3 ay pirmado rin ng mga executives at editors ng television, print at online.
Ang Maguindanao massacre ang sinasabing pinaka madugong election related violence sa bansa.
Nabatid na si Zaldy Ampatuan, isa sa mga pangunahing akusado ay naka-confine pa rin sa Makati Medical Center simula pa October 22 matapos ma-stroke.
- Latest