^

Bansa

Dalagita isinako, pinaanod sa ilog

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

SOUTH COTABATO , Philippines —  Pinatay at isinilid sa sako bago pinaanod sa ilog ang isang 16-anyos na dalagita na una nang ini-report na nawawala sa Purok Bagong Silang, Brgy. Punong Grande, Banga, South Cotabato, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Barbie Bernardido Inocencio, estudyante ng Notre Dame of Banga.  

Ayon sa isang residente sa lugar, naispatan nito ang isang sako na lulutang-lutang at sumabit pa sa footbridge.

Nabatid na umaga pa nitong Martes nang makita ang sako subalit hapon na nang malaman na tao ang laman nito nang makitang may nakalabas na paa. Nang suriin ang sako, nakita ang duguang babaeng menor-de-edad na nakasuot pa ng kanyang uniporme habang naka­gapos ang mga kamay at duguan.

Unang iniulat na na­wa­wala ang dalagita ng kanyang pamilya noong Disyembre 2 nang ma­bigong makauwi sa ka­nilang tahanan.

Sinisiyasat na ng pulisya kung ginahasa ang biktima bago paslangin ng ‘di kilalang salarin.

Kaugnay nito, isang negosyante ng Koronadal City ang agad na nag-alok ng P200,000 na reward sa sinumang makapagtuturo sa suspek o mga suspek sa nasabing krimen.

vuukle comment

BARBIE BERNARDIDO INOCENCIO

NOTRE DAME OF BANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with