Baranggay officials may P3000 Xmas incentives - Go
MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na siya ang nagrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng P3,000 Christmas incentives ang mga opisyal ng barangay.
Sinabi ni Go na mahalagang maramdaman ng mga elected barangay officials na nagmamalasakit sa kanila ang gobyerno.
Kabilang sa mga pinabibigyan ng P3,000 ang mga barangay captains, kagawad, Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons, at Indigenous People’s Mandatory Representatives (IPMRs).
“Sinuggest ko po ‘yan kay Pangulong Duterte para mapasaya ang ating mga barangay officials na walang sawang nagseserbisyo sa kanilang mga komunidad,” sabi ni Go.
Ipinagmalaki rin ni Go na gumagawa sila ng paraan ng Pangulo upang matiyak na may matatanggap na insentibo ang mga halal na opisyal ng barangay.
Ipinunto ni Go na nakakarating ang mga programa ng gobyerno sa mga mamamayan dahil sa mga barangay.
- Latest