^

Bansa

Sara kinatigan ng Palasyo sa ‘Manila’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinatigan kahapon ng Malacañang ang na­ging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na dapat ang piniling kanta sa SEA Games opening ceremony ay hindi “Manila”.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat ang piniling kanta ay ang sisimbolo sa buong bansa at hindi lamang sa Manila.

Binatikos ni Mayor Inday ang organizer ng SEA  Games dahil sa piniling kanta nito na hindi naman kumakatawan sa buong bansa.

“Tama si Mayor Sara. We need to have a song that will reflect not only Manila but the entire Philippines. Wala pa eh,” wika ni Panelo kahapon sa media briefing.

“It seems that Manila was used because that is the most popular song in relation to the Filipinos,” dagdag pa nito.

Ang kantang ‘Manila’ ay sumikat noong 1970 at kinanta ng bandang Hotdog.

Ito ang pinili ng organizer na kanta sa pagpasok ng mga atletang Pinoy sa opening ceremony sa Philippine Arena kung saan ay napaindak pati si Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

“Kinakatawan ng kan­tang iyon ang Maynila bilang kapitolyo ng Pilipinas. Kapag meron tayong wini-‘welcome’ sa Maynila, ibig sabihin, wini-‘welcome’ mo ang lahat sa Pilipinas,” paliwanag ng PHISGOC.

vuukle comment

SALVADOR PANELO

SARA DUTERTE

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with