^

Bansa

PNP chief na uubos sa mga drug lord hanap ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
PNP chief na uubos sa mga drug lord hanap ni Duterte
“It is not enough that you recommend to me. Kung sabihin mo, ‘Sir, pag ako ang pinili mo, patay lahat ng drug lords, patay lahat ng…’ ‘Ok, ikaw’. If you cant give me that guarantee, e ayaw na,” sabi ni Pangulong Duterte sa panayam ng Unang Hirit.
File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang hinahanap niyang susunod na pinuno ng Philippine National Police ay ang magsisigurong uubusin nito ang mga drug lords sa bansa.

“It is not enough that you recommend to me. Kung sabihin mo, ‘Sir, pag ako ang pinili mo, patay lahat ng drug lords, patay lahat ng…’ ‘Ok, ikaw’. If you cant give me that guarantee, e ayaw na,” sabi ni Pangulong Duterte sa panayam ng Unang Hirit.

Aniya, lahat ng nirekomenda sa kanya na magiging kapalit ng nagretirong si PNP chief Oscar Albayalde ay magagaling subalit may hinahanap siyang katangian na magsisigurong kayang ubusin ang mga drug lords sa bansa.

“Hirap ako sa pulis. Mahal ko ang mga pulis ko. Pero hirap ako sa mga opisyal,” wika pa ng Pangulo sa GMA morning show na “Unang Hirit.”

Kabilang sa nasa shortlist na isinumite ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano bilang susunod na sina Officer-in-Charge PLt/Gen Archie Gamboa, Chief of Directorial Staff Maj. Gen Guillermo Eleazar at Deputy Chief for Operations  Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan.

Nagpahayag ang Pangulong Duterte na habang wala pa siyang napipili na PNP chief ay siya muna ang mamumuno sa pulisya.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with