^

Bansa

Signal no. 3 ng bagyo itinaas sa 11 areas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Signal no. 3 ng bagyo itinaas sa 11 areas
Dulot nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 3 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Southern por­tion ng Camarines Norte, Masbate, Romblon, Bu­rias Island, Quezon, Northern at Eastern Samar.
Zoom Earth

MANILA, Philippines — Itinaas kahapon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang Signal No. 3 sa 11 lugar sa Luzon at Visayas bago pa sa inaasahang pagbagsak ng bagyong Tisoy sa Ca­tanduanes, Albay, o Sorsogon sa pagitan ng gabi ng Lunes at madaling-araw ng Martes.

Dulot nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 3 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Southern por­tion ng Camarines Norte, Masbate, Romblon, Bu­rias Island, Quezon, Northern at Eastern Samar.

Sa 2 p.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 195 kilometro sa silangan ng Juban, Sorsogon. Patuloy ang pagkilos ni Tisoy nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Dulot nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 3 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at southern portion ng Camarines Norte.

Signal No. 2 naman sa buong Metro Manila; Bulacan; Bataan; Pampanga; eastern portion ng Nueva Ecija; Southern Aurora, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon  kasama na ang Polillo Islands, Oriental Min­doro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at nalalabing bahagi ng  Camarines Norte, Masbate kasama na ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.

Signal No. 1 naman sa Southern Isabela,  Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Viz­­caya, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Quirino, nalalabing baha­gi ng Aurora, nalalabing bahagi ng Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Cala­mian Islands, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, northern portion ng Negros Occidental, Northern Cebu, Metro Cebu, Cebu City, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands at Siargao Island.

Si Tisoy ay inaasa­hang bubuhos sa lupa nga­yong  Martes ng madaling araw kaya ang lahat ay pinag-iingat sa posibleng epektong dulot nito sa mamamayan at mga ari arian.

vuukle comment

TYPHOON TISOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with