^

Bansa

SEAG organizers, pinuri ng Malacañang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
SEAG organizers, pinuri ng Malacañang
“Kahanga-hangang tignan ang pambungad na seremonya ng ika-30 SEA Games,” pahayag ng Malakanyang.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Binigyang papuri ng Palasyo ang mga organizers ng Southeast Asian Games sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa trabaho nitong tinuring na “exceedingly well done,” matapos ang kamangha-manghang opening ceremony ng nasabing biennial event sa Philippine Arena noong Sabado, Nobyembre 30. 

“Kahanga-hangang tignan ang pambungad na seremonya ng ika-30 SEA Games,” pahayag ng Malakanyang. 

Ayon pa sa kanila, ang “eyecatching sports and musical extravaganza” ay hindi pinalampas ng The Strait Times ng Singapore na nagsabing, “It took just two hours to wipe away a week’s worth of bad headlines.”

“Walang duda, ipinamalas sa seremonya ang abilidad ng Pilipinas na maging punong-abala sa pinakamalaking kaganapang pampalakasan sa mundo at aliwin ang ating mga dayuhang bisita sa pamamagitan ng kasiyahang mahusay ang mga Pilipino at kinikilala ito dito,” saad pa ng Palasyo. Idinagdag din nito na nagtakda na rin ito ng mataas na pamantayan para sa mga nais mag-host ng mga international sporting events.

Pinuri din nila ang mga performers, at ang lokal na media outfits at mga manunulat at mga bloggers “for reporting with accuracy the success of the ceremony.” “For us, this ceremony should remind us that with unity, camaraderie and support, #WeWin­AsOne,” dagdag pa nito.

Pinuri ng Filipino netizens, mga artista at mga pulitiko ang kamangha-manghang grand opening ceremony na nagsilbing hudyat ng simula ng Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan noong ika-30 ng Nobyembre.

Pinalakpakan ng mga pinuno ng ilang National Olympic Committees kagaya ni Malaysian Olympic Committee President Mohamad Norza Zakaria at Indonesian NOC chief Raja Sapta Oktohari ang pagsisikap ng Philippine Olympic Committee at ng buong Pilipinas sa pagkakaroon ng lakas ng loob na mag-host ng SEA Games na mayroong 56 na laro.

Kahit ang mga atleta mula sa ibang nasyon ng Asean ay pinuri ang mga pasilidad sa Athletes’ Village sa New Clark City. Sinabi ng isang atleta mula sa Brunei na, bukod sa magagandang pasilidad, humanga rin siya sa pagiging sensitibo ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng halal na pagkain para sa mga Muslim na atleta.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with