^

Bansa

Government agencies pinaghahanda Umalerto kay Tisoy

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Government agencies pinaghahanda Umalerto kay Tisoy
Ang mga klase naman sa mga eskuwelahan ay kinansela sa ilang mga lugar kahapon ng Lunes at ngayong Martes dahil sa epekto ng naturang bagyo. Ang mga kumpanya ng eroplano ay nagkansela ng ilang flight na nakatakda kahapon at ngayong araw na ito.
pagasa weather satelite

MANILA, Philippines — Pinaghahahanda ng Malakanyang ang mga ahensiya ng pamahalaan sa posibleng maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Tisoy.

Ang mga klase naman sa mga eskuwelahan ay kinansela sa ilang mga lugar kahapon ng Lunes at ngayong Martes dahil sa epekto ng naturang bagyo. Ang mga kumpanya ng eroplano ay nagkansela ng ilang flight na nakatakda kahapon at ngayong araw na ito.

Nakatutok ang Office of the President sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, naka-24/7 stand by mode na ang mga ahen­siya ng pamahalaang may kinalaman sa  disaster and relief operations.

Aniya, patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon sa mga lugar na dadaanan ni Tisoy gaya sa gawi ng Camarines Norte na kung saan ay  434 na mga pamilya na o  1,328 indibidwal ang nailikas mula sa mga ba­yan ng Basud, Jose Panganiban at Vinzons.

Bukod dito ay hawak na din ng DSWD ang may P2 bilyong stand by funds na magagamit para sa anomang kaka­ilanganin sa pagtama ng kalamidad.

Panawagan naman ng Palasyo sa publiko ay manatiling naka-alerto at tiyaking updated sa pinakahuling weather advisory sa kani-kanilang mga lugar.

Pinayuhan din ang mama­mayan na sumunod sa payo ng mga awtoridad lalo kung kailangan ng lumikas upang maiwasan ang pinsala

Isinailalim na rin ni Philippine National Police  (PNP) Officer-in–Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa sa  full alert  status ang lahat ng units ng pulisya sa buong Luzon at Visayas Region kaugnay ng posibleng matinding epekto ng bagyong Tisoy kabilang ang ilang venue sa ginaganap na ika-30th Sea Games sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, minobilisa na rin ni Gamboa ang National Headquarters 1st Level Battle Staff upang tiyakin ang kahandaan ng Command and Control ng lahat ng PNP units sa disaster response operations sa mga apektadong lugar.

vuukle comment

BAGYONG TISOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with