^

Bansa

Dela Rosa dudang may kinalaman si Cayetano sa mga anomalya sa SEA Games

James Relativo - Philstar.com
Dela Rosa dudang may kinalaman si Cayetano sa mga anomalya sa SEA Games
"Sa nakikita ko naman, 'tong mga trivial issues na ito... imposible naman na aabot pa ito sa chairman, kay Speaker Cayetano," sabi ni Dela Rosa tungkol sa PHISGOC chairperson sa panayam ng ABS-CBN.
The STAR/Mong Pintolo, File

MANILA, Philippines — Duda si Sen. Ronald dela Rosa na may pananagutan si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga sablay na nangyari sa simula ng pagho-host ng Pilipinas sa ika-30 Southeat Asian Games.

Pinangungunahan ni Cayetano ang  Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, na humaharap sa iba't ibang isyu gaya ng problema sa transportasyon, hotel accomodation, pagkain, 'di pa tapos na venues at akreditasyon ng mga banyagang mamamamahayag bago magsimula ang mga palaro noong Sabado.

"Sa nakikita ko naman, 'tong mga trivial issues na ito... imposible naman na aabot pa ito sa chairman, kay Speaker Cayetano," sabi ni Dela Rosa tungkol sa PHISGOC chairperson sa panayam ng ABS-CBN.

"Hindi naman sana tayo maging fault-finder kung hindi kung ano talaga yung mai-establish na meron... In the course of the investigation lalabas at lalabas talaga kung saan aabot ang sunog."

Matatandaang sinabi ni Cayetano na handa siyang humarap sa pag-uusig ng lahat: "[Pagdating] ng ika-12 ng Disyembre, panagutin niyo ako; i-hold accountable niyo ang SEAG organizing committee. Hindi ako magtatago. Haharap ako sa Senado at Ombudsman," sabi niya sa Inggles.

Una nang kinumpirma ni presidential spokesperson Salvador Panelo na bubuo ng komite ang Palasyo para makapagsimula ng imbestigasyon sa mga akusasyon ng katiwalian.

"Magsisimula... ang Office of the President ng hiwalay na probe pagdating sa mga kapalpakan at iregulridad sa pagpapatakbo ng bansa natin sa SEAG pagkatapos ng games," sabi ni Panelo.

Samantala, ilalaban naman daw nina Sen. Franklin Drilon ang mga probe sa Senado, lalo na patungkol sa mga paghahanda, P55 milyong cauldron at P11 bilyong utang na kinuha ng gobyerno mula sa isang Malaysian firm. 

Sa kabila nito, nanindigan si Dela Rosa na sapat na ang sunud-sunod na panalo ng mga atletang Pilipino upang sagutin ang mga patutsada ng mga kritiko: "Bahala sila, manigas sila. Wala akong pakialam sa sasabihin nila."

Kasalukuyang nangunguna ang Pilipinas sa medal tally ng 11 bansa — 38 ginto, 19 pilak at 10 tanso habang sinusulat ang balitang ito.

Nasa ikalawang pwesto naman ang Vietnam sa 10 ginto, 20 pilak at 16 na tanso, habang ikatlo naman ang Malaysia sa 10 ginto, dalawang pilak at pitong tanso.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

PHISGOC

RONALD DELA ROSA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with