^

Bansa

Bicol, Eastern Visayas pinaghahanda kay Tisoy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bicol, Eastern Visayas pinaghahanda kay Tisoy
Ayon sa PAGASA, ina­asahang magla-landfall ang bagyong Tisoy sa Bicol Region ngayong Lunes ng gabi o Martes ng umaga na may maximum sustained winds na 140 kph malapit sa gitna at bugso na 170 kph sa bilis na 20 kph.
PAG-ASA

BICOL, Philippines — Pinaghahanda ng  Na­tional Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente ng Bicol at Eastern Visayas dahil sa mga pagbaha sa pagpasok ng bagyong Tisoy.

Ayon sa PAGASA, ina­asahang magla-landfall ang bagyong Tisoy sa Bicol Region ngayong Lunes ng gabi o Martes ng umaga na may maximum sustained winds na 140 kph malapit sa gitna at bugso na 170 kph sa bilis na 20 kph.

Itinaas na ang typhoon warning signal no. 2 sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Samar, Northern at Eastern Samar, at Sorsogon.

Habang signal no. 1 sa Aklan, Antique, Aurora, Batangas, Biliran, Bulacan, Camarines Norte, Capiz, Cavite, Dinagat Islands, Guimaras, Iloilo, Laguna, Leyte, Marinduque, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands, Metro Manila, Northern at Metro Cebu, northern portion ng Negros Occidental, eastern portion ng Nueva Ecija, Oriental Mindoro, Quezon kasama ang Pollilo Islands, Rizal, Romblon, Siargao Island at Southern Leyte.

Samantala, inalerto na rin ng Armed For­ces of the Philippines (AFP) ang iba’t ibang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) units para sa paparating na bagyo.

Ayon kay AFP spokesman Edgard Arevalo na ang HADR units ay sanay at equipped sa pagsasagawa ng searh, rescue at retrieval operations.

Inalerto na rin ni PNP officer-in-charge Archie Gamboa ang lahat ng police commanders sa daraanan ng bagyong Tisoy at magsagawa na ng preemptive evacuations at iba pang disaster response.

vuukle comment

BAGYO

BICOL REGION

TISOY

WEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with