^

Bansa

Mayor Isko pinuri ng ACT-CIS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ng ACT-CIS Partylist si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa mabilis nitong aksiyon at pagtugon para dakpin ang mga namemeke ng Person With Disability (PWD) ID na unang ibinunyag ni Cong. Eric Yap.

Ayon kay Cong. Yap, umaksiyon na si Yorme Isko, kailan naman kaya tutugon ang ibang lungsod para sugpuin ang pamemeke ng PWD IDs sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ng mambabatas, talamak ang pamemeke ng PWD IDs na ginagamit para makakuha ng discount at iba pang benepisyo.

Nananawagan si Cong. Yap sa mga kasamahan nito sa Kongreso na dinggin na ang isinumite niyang House Resolution 454 para silipin muli ang RA 10754 na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga namemeke ng mga dokumento, tulad ng PWD ID.

Unang ibinunyag ni Rep. Yap ang pagkalat ng mga PWD ID noong may nakasabay itong kumakain sa isang restaurant na puro may PWD ID pero wala naman silang mga kapansanan.

Sabi ng mambabatas na magandang simula ang naging hakbang ni Mayor Isko na nahuli yung gumagawa ng mga pekeng PWD ID at umaasa na makikipagtulungan din ang ilang local chief executives sa bansa para tuluyang masugpo ang modus na ito.

vuukle comment

ERIC YAP

YORME ISK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with